Monday, December 26, 2011

Pagdating ng Panahon





Lyrics:

Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin
Alam kong hindi mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin
Hahanapin mo din

Chorus:
Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng Panahon 

Alam kong hindi mo alam
Narito lang ako
Maghihintay kahit kailan
Nangangarap kahit di man ngayon
Mamahalin mo rin
Mamahalin mo rin
(repeat chorus)

Bridge:
Di pa siguro bukas
Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw
Dumating din yon
(repeat chorus)

Friday, December 23, 2011

No Effect

I really don't know what to do now. Inisip ko na lahat ng pwede kong gawin pero wala talaga. Una, inisip kong dapat na kitang iwasan dahil alam ko naman na wala naman talaga akong pag-asa sa'yo at hinding hindi mo rin naman ako mapapansin kahit kailan.Tapos naisip ko na wala namang masama sa pag-try basta huwag lang mag-expect.

Alam mo, sinubukan ko naman talaga eh. Sinubukan ko. Promise. Nag-effort talaga ako. Pero wala eh, hindi mo talaga ako mapapansin. Kahit anong gawin ko. Kahit siguro tumambling at gumulong ako sa harap mo, no reaction ka pa din. Mukha ngang iniiwasan mo na ako eh. Ewan ko ba kung paranoid lang ako o talagang iniiwasan mo na ako. Bastaaaaa. I have evidences. I want to ask you na sana kaso madali lang mag-deny at baka lalo mo pa akong iwasan.

Nagyon ko lang narealize na ang complicated pala talaga ng love. Kung love man ito. At sobrang sakit rin pala. Alam mo yun, yung ang sakit sakit na talaga. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Okay. Alam ko naman na talaga ang gagawin ko. Kailangan ko ng mag-move on. Kailangan na kitang kalimutan habang maaga pa. Pero paano ko iyon magagawa kung lagi tayong napapagtagpo. Like coincidence. Kasi naman, iniiwasan na kita pero parang mas napapalapit pa tayo sa isa't-isa. Siyempre coincidence lang yun kasi for sure hindi mo rin naman gugustuhin na magkasama tayong dalawa. Period.

Ang akin lang talaga, mahihirapan akong mag-move on kung sobrang liit ng mundo para sa ating dalawa. Halos parehas ang mundong ginagalawan natin, pero buti na lang medyo magkaiba tayo ng panahon. Yeah. You're like older than me. Buti na lang. Yun na nga lang yung consuelo ko sa sarili ko. Hindi talaga tayo bagay.

Sa ngayon, ang hinihintay ko na lang ay malaman kung may mahal ka ng iba at kung sino siya. Malaking tulong iyon sa pagmo-move on ko. (Move on kahit hindi naman naging tayo.) Yun na lang talaga ang magagawa ko sa ngayon, ang maghintay. Anong hinihintay ko? Hindi pa ako sigurado.

Monday, December 5, 2011

Dear You,

Alam mo, nung una pa lang kitang nakilala iba na agad ang tingin ko sa'yo. I don't call it love and I don't believe in love at first sight. Siguro crush na kita noon. Ang pungay kasi ng mga mata mo para bang kapag tinitignan ko napupunta ako sa ibang dimension. Tapos yung ngiti mo, hindi ko rin mapigilang ngumiti. Nakakahawa talaga at nakakatunaw. :")

Tuwing kinakausap kita, hindi ako masyado mapakali. Kinakabahan kasi ako na ewan. Parang sasabog na yung puso ko kapag malapit ako sa'yo. Kapag nag-uusap tayo, ginagawa ko lahat ng makakaya ko para magtuluy-tuloy lang ang pag-uusap natin. Siyempre, hindi naman ako ang priority mo kaya saglit lang tayo nakakapag-usap pero para sa akin ilang oras na yun.

Lahat ng mga bagay na sinasabi mo sa akin lahat yun natatandaan ko. Tuwing pinapansin mo ako, ang mga bagay na suot ko, itsura ko, mga ginagawa ko hindi mo alam kung gaano mo pinapasaya ang puso ko. Kahit nga simpleng ngiti at Hi mo lang kumpleto na ang araw ko.

Ngunit dahil alam kong kahit kailan, hindi mo rin naman ako mapapansin, plano ko ng itigil ang kabaliwang ito. Ang hirap. Ang hirap iwasan ang mga tingin mo at ngiti mo. Hindi ko maiwasang mapatingin sa direksiyon kung nasaan ka. Para akong mababaliw sa kakaisip kung paano ba kita makakalimutan at maiiwasan. Nag-succeed naman ako sa pag-iwas sa'yo ng ilang linngo.

Pero nung napatingin ka sa akin, nung nginitian mo ulit ako, parang lahat-lahat bumalik. Parang lahat ng effort ko sa pag-iwas at paglimot sa'yo ay nawala. Parang kahit minsan hindi kita sinubukang kalimutan. Wala man lang nangyari sa efforts ko, iniwasan nga kita physically, pero andun pa rin lahat ng emotions. LAHAT LAHAT. Nandoon pa rin yung pagkagusto ko sa'yo. Ito na ba ang tinatawag nilang love? Siguro hindi pa. Pero isa lang masasabi ko, gusto kita. Espesiyal ang tingin ko sa'yo. Sana lang ay mapansin mo rin ako.

Nagmamahal,
Ako.

Hi. I exist and I love you.

Hi. I exist and I love you (Let's just call it love okay?). Gusto kong sabihin iyan sa harap niya habang kumakaway pero hindi naman kasi ganun kadali yun. Ipaalam na nga lang na 'I exist' ang hirap ng gawin, iparamdam pa kaya na mahal ko siya?!

Ito ang pinakamahirap na feeling sa buong mundo. Ang magmahal ng isang tao na alam mo naman na kahit kailan, hindi ka niya mapapansin. Yung alam mong ang tingin niya lang sa'yo ay katulad lang din ng tingin niya sa lahat ng tao. Aware ka na kahit kailan hindi niya mamahalin ang isang tulad mo. Masakit 'di ba? Sobrang sakit.

Yung titingin ka lang sa malayo at tititigan yung ngiti niya masaya ka na tapos pinapakinggan mo yung boses niya kahit na hindi naman ikaw kausap niya. Halos gagawin mo na lahat masilayan mo lang ang mga mata niya at makasama mo lang siya. Iibahin mo lahat ng plano mo at i-sasacrifice mo allowance mo dahil lang sa kanya. Ang dami mong gustong sabihin pero kapag nandiyan na siya, ni-'HI' hindi man lang makalabas sa labi mo. Kontento ka na basta ba nakikita mo siya.

Kasi naman tuwing nakikita mo siya, BOOM! Tumitigil ang oras at nawawala ang mga tao sa paligid mo. Feeling mo kayong dalawa lang tao sa mundo. Tapos kapag tiningnan ka na niya sabay ngiti, kunyari poker face ka lang sa labas, pero deep inside! Hihimatayin ka na sa sobrang kilig. Yung feeling na sasabog ka na. Madalas may bonus pa siyang 'Hi' sa'yo pero wala kang nasabi, natameme ka lang. Minsan nagkaka-goosebumps ka pa nga eh. :")

Hay, ang sarap sa feeling 'no? My heart skips a beat ika-nga. Minsan pa nga plinaplano mo na kung ano gagawin mo kapag nandiyan na siya, prinactice mo pa sa salamin lahat ng gusto mong sabihin pero kapag magkaharap na kayo, WALA NA! Nabulilyaso na lahat ng plano mo. Saklap 'no? Wala ka na nga nagawa, nagmumukha ka pang tanga kung minsan o kaya naman kahiya-hiya.

Bakit nga ba ganun 'no? Kahit minsan sobrang sakit na, okay lang. Kahit gusto mo ng sumuko, hindi mo pa rin magawa. Dahil kahit 99.99% sure ka ng hind ka niya kayang mahalin, pinanghahawakan mo pa rin yung natitirang 0.01% na mapapansin ka rin niya.

~~To Be Continued

Sunday, November 27, 2011

Paano kapag bumaliktad ang mundo?


Lagi ko yang natatanong sa sarili ko eh. Paano kung biglang bumaliktad ang lahat, kabilang na dun ang ikaw naman yung may gusto sa akin. Ikaw naman ang patay na patay sa akin. Ikaw naman yung nasasaktan kapag hindi kita pinapansin. Ikaw naman yung gumagawa ng paraan mapansin kita. Ikaw naman ang nagdadasal at humihiling na sana magustuhan din kita. Yung ikaw naman makakaramdam ng lahat ng nararamdaman ko ngayon.

Tapos ako naman, hindi lang kita papansinin. Hahayaan lang kita sa mga efforts mo. Tapos may gusto na rin akong iba. Ako naman yung hindi papansin sa'yo. Yung hindi kita babatiin kahit 'Hi' lang. Tapos wala akong paki-alam sa mga efforts mo. Na kahit anong gawin mo, hindi ko pa rin mapapansin na may gusto ka sa akin. Tapos mahimbing ang tulog ko tuwing gabi pero ikaw, hindi makatulog sa kakaisip kung paano ba kita mapapansin. O kaya naman hindi ka makakatulog dahil sobrang sakit na. Hindi mo na kaya ang mga nagyayari at ipinagdarasal mo na rin na sana baliktad na lang yung sitwasyon.

Kaya mo kaya lahat ng 'to? Kaya mo bang tiisin lahat ng sakit na ito? Kaya mo bang harapin ang mga pinagdadaanan ko? Feeling ko, kakayanin mo. Manhid ka kasi. Pero, seriously paano nga kapag ikaw na ang nakadarama nito? Sa tingin ko, hindi mo kakayanin. Hindi mo kasi alam ang feeling na hindi ka kayang mahalin ng isang tao. Hindi mo kakayanin na hindi ka pinapansin.

Alam ko naman na kahit kailan hindi mo ito mapagdadaanan. Dahil marami naman nagmamahal sa'yo. Kabilang na ako roon. Hihintayin ko na lang yung araw, na sana bumaliktad na ang mundo. :)


Friday, November 18, 2011

The Guys

 May mga ilang lalaki naman ng nanligaw sa akin. Hindi naman sa nagyayabang ako. Gusto ko lang naman silang i-differentiate with each other. Wala ngang nagtaggal sa kanila kahit na halos lahat sila nagPROMISE na maghihintay sila. Lahat sila pare-pareho lang ng sinabi. Mga linya nilang bulok at paasa.

"Ang ganda mo kasi."


"Ang ganda ng ngiti mo."


"Ang bait mo."


"Promise. Maghihintay ako."


"Ikaw lang talaga."


"Hindi ako susuko."

Paulit-ulit lang sila. Pare-parehas lang naman silang nang-iwan rin at hindi na magpaparamdam. Wala man lang kahit konting effort. Tsk! Paano na lang kung easy girl ako? Paano na lang kung madali akong ma-fall? Eh di iniwan na nila ako sa ere. Hay Naku. Feeling ko tuloy never na akong magkaka-love life.

Sana lang masaya na sila ngayon. Sana rin huwag na muna kami magkita-kita. Awkward kasi. Minsan kasi kapag nagkita na ulit, bigla na lang manliligaw na ulit. Blah Blah Blah. Tapos wala na ulit. Paulit-ulit lang talaga.

Medyo magulo itong post kong ito. Gagawa na lang ako ng iba next time. Argh.

Wednesday, November 16, 2011

Ito yung mga kanta na minsan, feeling ko kwinekwento nila ang buhay ko. Medyo may pagka-emotera kasi talaga ako kung minsan. The songs will tell you everything.

Teardrops On My Guitar - Taylor Swift


Maybe - King


Ako Na Lang - Zia Quizon


Invisible - Taylor Swift


Invisible - Skylar Grey


Ilan lang ito sa mga kantang iyon. Tsaka na ulit yung iba.

#SadyangMayTimesNaFeelingKoLangWalangNagmamahalSaAkin

Saturday, November 12, 2011

Personality Test

I tried this personality test. Sinubukan ko lang kasi curious ako. HAHA. Pero grabe! Ang galing talaga, super totoo lahat 'to. Almost 100% true. Kung may magbabasa man nito, try niyo rin ito yung website: http://www.quizbox.com/personality/test82.aspx :)

Your view on yourself:
You are down-to-earth and people like you because you are so straightforward. You are an efficient problem solver because you will listen to both sides of an argument before making a decision that usually appeals to both parties.


The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:
You are not looking merely for a girl/boyfriend - you are looking for your life partner. Perhaps you should be more open-minded about who you spend time with. The person you are looking for might hide their charm under their exterior.


Your readiness to commit to a relationship:
You are ready to commit as soon as you meet the right person. And you believe you will pretty much know as soon as you might that person.


The seriousness of your love:
You like to flirt and behave seductively. The opposite sex finds this very attractive, and that's why you'll always have admirers hanging off your arms. But how serious are you about choosing someone to be in a relationship with?


Your views on education
Education is very important in life. You want to study hard and learn as much as you can.


The right job for you:
You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.


How do you view success:
You are afraid of failure and scared to have a go at the career you would like to have in case you don't succeed. Don't give up when you haven't yet even started! Be courageous.


What are you most afraid of:
You are afraid of having no one to rely on in times of trouble. You don't ever want to be unable to take care of yourself. Independence is important to you.


Who is your true self:
You are full of energy and confidence. You are unpredictable, with moods changing as quickly as an ocean. You might occasionally be calm and still, but never for long.



Thursday, November 10, 2011

I Give up!

Yes I said it. I Give up. Hindi ko pala kaya. Masyadong mahirap umasa sa wala. Linoloko ko lang sarili ko kapag inisip kong may patutunguhan pa itong paghihirap ko. Kahit gusto ko pang ituloy ito at mag-effort pa, hindi na talaga pwede eh. KAILANGAN ko ng itigil ito.

Parang napapansin ko kasi na hindi niya ako masyado pinapansin at ina-approach. Pwedeng bias ako kasi siyempre nag-eexpect ako ng attention from him, pero hindi eh. Hindi niya talaga ako kinakausap. If I remembered it right, yung mga latest na mga pag-uusap namin ay ako pa mismo ang lumapit or nag-approach sa kanya. Siyempre medyo sumama loob ko, pero alam ko naman na "wala lang" naman ako para sa kanya kaya no big deal rin naman kapag hindi niya ako in-approach. Baka nga hindi niya napapansin na matagal-tagal na rin kaming hindi nag-usap. 

Kaya susuko na talaga ako. Kasi wala na talaga 'tong patutunguhan at aware naman na kasi akong may bago na siya at sobrang labo na maging ako yun. Dati, pinagdadasal ko pa na sana siya na yung para sa akin at nagpromise pa ako sa sarili ko na maghihintay ako, na siya na talaga yung gusto ko. Medyo matagal kong pinag-isipan kung susuko na ba ako, pero napagdesisyonan ko na, suko na talaga ako. Mahirap kasi paasahin ang sarli, lalo na kapag down na ako minsan sarili ko na lang kakampi ko. Madalas kasi, kaaway ko rin sarili ko. HAHA :P

So, I guess this is the end. Bye ~

Thursday, November 3, 2011

Not Like The Movies

May sakit ako. HAHA. Kung sakit man ang mahilig umasa. XDD Ewan ko ba. Lagi kong pinapaasa yung sarili ko kahit hindi naman talaga pwede. Lalo na ang hilig ko pa namang manood ng romantic movies. Lagi ko na lang gustong ipattern sa mga movies ang love story ko. Lagi akong umaasa na ganun din yung mangyayari sa akin. Lalo na yung mga movies na loser yung girl tapos popular yung guy, pinapaasa ako na ganun din mangyayari sa akin. :| Kaya heto, nakarelate ako sa kanta ni KC Concepcion.

LYRICS

I’m your average dreamer, I’m a true escapist
Always expecting a happy ending
Maybe I’ve been watching too many movies
Maybe I should grow up and start pretending
When I saw your face thou, everything was slow mo
And I started wondering why..?…
Why can’t it be?
Just a pathway full of roses
Leading to a sunset view
With the one you’ve always dreamt of greats
Why can’t it be?
It was like a movie scene, the way I felt for you
Only you didn’t fall, now it’s not like the movies at all
(…not like the movies at all..)
Should I kept my heart charged
Should have been more patient
Should I kept deny on my addiction
What was I expecting
Did I have a vision of a scene
That only lived in fiction
Now I know that you are not gonna be my co-star?
And it starts to wonder why..
Hindi ako fan ni KC Concepcion pero this song really makes me realize na malabong magkatotoo yung mga nasa movies. Though, sa iba posible hindi pa rin yun enough na rason para paasahin mo yung sarili mo. K? :)

Wednesday, October 26, 2011

Totally Can Relate :|

Okay. i just got this from tumblr. But this explains me.

gh0st-whispers:

  • Who has a gorgeous smile.
  • Who has a stunning face.
  • Who has super long shiny hair.
  • Who has a perfect body.
  • Who attracts every guys eye.
  • Who a guy would stare at when walking down the streets.
  • Who gets over 100 notes whenever they post a new picture.

I’m not one of those girl. I have flaws and insecurities. I do get jealous. My self esteem does get lower when I see a girl prettier than me. I’m not one of those girls. I’m sorry, I’m not good enough.

Tuesday, October 25, 2011

In Love?

Well, bakit nga ba ito ang topic ko? Wala lang. feeling ko kasi in love ako. HAHA. Hmm. Minsan tuloy napapa-isip ako kung feeling nga lang ba. LOL. Hindi naman ako nagmamadaling ma-inlove. Gusto ko lang naman maramdaman na minamahal din ako. CHOS!

Kasi naman, may crush ako ngayon. Tapos hindi rin nanaman niya ako crush. (Lahat naman ng crush ko ganun. Wala pang nagkagusto sa akin. Ever.) Period. Joke! :P Eh. Basta. Super crush ko talaga siya. Siya na ata yung pinagdarasal kong lalaki. :D Mabait, gentleman, matalino, humble, funny, mas matangkad sa akin, tapos natatawa siya sa mga corny kong jokes! Akalain mo yun! At siyempre pa, gwapo siya. HEHE.

Pero imposible rin namang magkagusto siya sa akin. I'm not so pretty, loser, ordinary student, insecure, sensitive and super ingay!! Minsan gusto ko na talaga magbago, yung tipong magmukha naman akong dalaga kahit paminsan-minsan lang. HALER? 18 na kaya ako. Pero asal ko pang 12 pa. Hay. Hindi ko nga alam kung ano gagawin ko para magustuhan niya rin ako. OO. ALAM KO. Alam kong hindi ko naman kailangang magabago para magustuhan niya ako pero siyempre kailangan ko rin namang mag-effort. Di ba? At least, alam kong nagtry ako. :>

Kasi naman, sa paligid namin ang dmaing babaeng better sa akin. Mas magaganda, mas matatalino, ah basta puro MAS! Kaya nga minsan feeling ko sayang lang efforts ko kasi kahit anong gawin ko, lagi namang may mas hihigit pa sa akin. Tapos wala rin namang special sa akin. Hayyy. Pero, kailangan ko pa ring magtry. Don't Give Up! :)

Pero syempre, lagi ko rin namang pinagsasabihan yung sarili ko na huwag masyadong umasa. Kasi ako kapag, sobrang nafall, mahirap ng makabangon at mas marami at malalalim na na sugat ang matatamo ko. So kailangan kong magtry, pero wag din masyado mag-expect. Medyo mahirap yun, pero kakayanin.

Sige. Ipagdasal mo na lang, ikaw na nagbabasa na magsucceed ako sa aking plano. AJA! :P

Sunday, April 24, 2011