May mga ilang lalaki naman ng nanligaw sa akin. Hindi naman sa nagyayabang ako. Gusto ko lang naman silang i-differentiate with each other. Wala ngang nagtaggal sa kanila kahit na halos lahat sila nagPROMISE na maghihintay sila. Lahat sila pare-pareho lang ng sinabi. Mga linya nilang bulok at paasa.
"Ang ganda mo kasi."
"Ang ganda ng ngiti mo."
"Ang bait mo."
"Promise. Maghihintay ako."
"Ikaw lang talaga."
"Hindi ako susuko."
Paulit-ulit lang sila. Pare-parehas lang naman silang nang-iwan rin at hindi na magpaparamdam. Wala man lang kahit konting effort. Tsk! Paano na lang kung easy girl ako? Paano na lang kung madali akong ma-fall? Eh di iniwan na nila ako sa ere. Hay Naku. Feeling ko tuloy never na akong magkaka-love life.
Sana lang masaya na sila ngayon. Sana rin huwag na muna kami magkita-kita. Awkward kasi. Minsan kasi kapag nagkita na ulit, bigla na lang manliligaw na ulit. Blah Blah Blah. Tapos wala na ulit. Paulit-ulit lang talaga.
Medyo magulo itong post kong ito. Gagawa na lang ako ng iba next time. Argh.
No comments:
Post a Comment