Thursday, November 10, 2011

I Give up!

Yes I said it. I Give up. Hindi ko pala kaya. Masyadong mahirap umasa sa wala. Linoloko ko lang sarili ko kapag inisip kong may patutunguhan pa itong paghihirap ko. Kahit gusto ko pang ituloy ito at mag-effort pa, hindi na talaga pwede eh. KAILANGAN ko ng itigil ito.

Parang napapansin ko kasi na hindi niya ako masyado pinapansin at ina-approach. Pwedeng bias ako kasi siyempre nag-eexpect ako ng attention from him, pero hindi eh. Hindi niya talaga ako kinakausap. If I remembered it right, yung mga latest na mga pag-uusap namin ay ako pa mismo ang lumapit or nag-approach sa kanya. Siyempre medyo sumama loob ko, pero alam ko naman na "wala lang" naman ako para sa kanya kaya no big deal rin naman kapag hindi niya ako in-approach. Baka nga hindi niya napapansin na matagal-tagal na rin kaming hindi nag-usap. 

Kaya susuko na talaga ako. Kasi wala na talaga 'tong patutunguhan at aware naman na kasi akong may bago na siya at sobrang labo na maging ako yun. Dati, pinagdadasal ko pa na sana siya na yung para sa akin at nagpromise pa ako sa sarili ko na maghihintay ako, na siya na talaga yung gusto ko. Medyo matagal kong pinag-isipan kung susuko na ba ako, pero napagdesisyonan ko na, suko na talaga ako. Mahirap kasi paasahin ang sarli, lalo na kapag down na ako minsan sarili ko na lang kakampi ko. Madalas kasi, kaaway ko rin sarili ko. HAHA :P

So, I guess this is the end. Bye ~

No comments: