Friday, December 23, 2011

No Effect

I really don't know what to do now. Inisip ko na lahat ng pwede kong gawin pero wala talaga. Una, inisip kong dapat na kitang iwasan dahil alam ko naman na wala naman talaga akong pag-asa sa'yo at hinding hindi mo rin naman ako mapapansin kahit kailan.Tapos naisip ko na wala namang masama sa pag-try basta huwag lang mag-expect.

Alam mo, sinubukan ko naman talaga eh. Sinubukan ko. Promise. Nag-effort talaga ako. Pero wala eh, hindi mo talaga ako mapapansin. Kahit anong gawin ko. Kahit siguro tumambling at gumulong ako sa harap mo, no reaction ka pa din. Mukha ngang iniiwasan mo na ako eh. Ewan ko ba kung paranoid lang ako o talagang iniiwasan mo na ako. Bastaaaaa. I have evidences. I want to ask you na sana kaso madali lang mag-deny at baka lalo mo pa akong iwasan.

Nagyon ko lang narealize na ang complicated pala talaga ng love. Kung love man ito. At sobrang sakit rin pala. Alam mo yun, yung ang sakit sakit na talaga. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Okay. Alam ko naman na talaga ang gagawin ko. Kailangan ko ng mag-move on. Kailangan na kitang kalimutan habang maaga pa. Pero paano ko iyon magagawa kung lagi tayong napapagtagpo. Like coincidence. Kasi naman, iniiwasan na kita pero parang mas napapalapit pa tayo sa isa't-isa. Siyempre coincidence lang yun kasi for sure hindi mo rin naman gugustuhin na magkasama tayong dalawa. Period.

Ang akin lang talaga, mahihirapan akong mag-move on kung sobrang liit ng mundo para sa ating dalawa. Halos parehas ang mundong ginagalawan natin, pero buti na lang medyo magkaiba tayo ng panahon. Yeah. You're like older than me. Buti na lang. Yun na nga lang yung consuelo ko sa sarili ko. Hindi talaga tayo bagay.

Sa ngayon, ang hinihintay ko na lang ay malaman kung may mahal ka ng iba at kung sino siya. Malaking tulong iyon sa pagmo-move on ko. (Move on kahit hindi naman naging tayo.) Yun na lang talaga ang magagawa ko sa ngayon, ang maghintay. Anong hinihintay ko? Hindi pa ako sigurado.

No comments: