Monday, December 5, 2011

Dear You,

Alam mo, nung una pa lang kitang nakilala iba na agad ang tingin ko sa'yo. I don't call it love and I don't believe in love at first sight. Siguro crush na kita noon. Ang pungay kasi ng mga mata mo para bang kapag tinitignan ko napupunta ako sa ibang dimension. Tapos yung ngiti mo, hindi ko rin mapigilang ngumiti. Nakakahawa talaga at nakakatunaw. :")

Tuwing kinakausap kita, hindi ako masyado mapakali. Kinakabahan kasi ako na ewan. Parang sasabog na yung puso ko kapag malapit ako sa'yo. Kapag nag-uusap tayo, ginagawa ko lahat ng makakaya ko para magtuluy-tuloy lang ang pag-uusap natin. Siyempre, hindi naman ako ang priority mo kaya saglit lang tayo nakakapag-usap pero para sa akin ilang oras na yun.

Lahat ng mga bagay na sinasabi mo sa akin lahat yun natatandaan ko. Tuwing pinapansin mo ako, ang mga bagay na suot ko, itsura ko, mga ginagawa ko hindi mo alam kung gaano mo pinapasaya ang puso ko. Kahit nga simpleng ngiti at Hi mo lang kumpleto na ang araw ko.

Ngunit dahil alam kong kahit kailan, hindi mo rin naman ako mapapansin, plano ko ng itigil ang kabaliwang ito. Ang hirap. Ang hirap iwasan ang mga tingin mo at ngiti mo. Hindi ko maiwasang mapatingin sa direksiyon kung nasaan ka. Para akong mababaliw sa kakaisip kung paano ba kita makakalimutan at maiiwasan. Nag-succeed naman ako sa pag-iwas sa'yo ng ilang linngo.

Pero nung napatingin ka sa akin, nung nginitian mo ulit ako, parang lahat-lahat bumalik. Parang lahat ng effort ko sa pag-iwas at paglimot sa'yo ay nawala. Parang kahit minsan hindi kita sinubukang kalimutan. Wala man lang nangyari sa efforts ko, iniwasan nga kita physically, pero andun pa rin lahat ng emotions. LAHAT LAHAT. Nandoon pa rin yung pagkagusto ko sa'yo. Ito na ba ang tinatawag nilang love? Siguro hindi pa. Pero isa lang masasabi ko, gusto kita. Espesiyal ang tingin ko sa'yo. Sana lang ay mapansin mo rin ako.

Nagmamahal,
Ako.

No comments: