Monday, December 5, 2011

Hi. I exist and I love you.

Hi. I exist and I love you (Let's just call it love okay?). Gusto kong sabihin iyan sa harap niya habang kumakaway pero hindi naman kasi ganun kadali yun. Ipaalam na nga lang na 'I exist' ang hirap ng gawin, iparamdam pa kaya na mahal ko siya?!

Ito ang pinakamahirap na feeling sa buong mundo. Ang magmahal ng isang tao na alam mo naman na kahit kailan, hindi ka niya mapapansin. Yung alam mong ang tingin niya lang sa'yo ay katulad lang din ng tingin niya sa lahat ng tao. Aware ka na kahit kailan hindi niya mamahalin ang isang tulad mo. Masakit 'di ba? Sobrang sakit.

Yung titingin ka lang sa malayo at tititigan yung ngiti niya masaya ka na tapos pinapakinggan mo yung boses niya kahit na hindi naman ikaw kausap niya. Halos gagawin mo na lahat masilayan mo lang ang mga mata niya at makasama mo lang siya. Iibahin mo lahat ng plano mo at i-sasacrifice mo allowance mo dahil lang sa kanya. Ang dami mong gustong sabihin pero kapag nandiyan na siya, ni-'HI' hindi man lang makalabas sa labi mo. Kontento ka na basta ba nakikita mo siya.

Kasi naman tuwing nakikita mo siya, BOOM! Tumitigil ang oras at nawawala ang mga tao sa paligid mo. Feeling mo kayong dalawa lang tao sa mundo. Tapos kapag tiningnan ka na niya sabay ngiti, kunyari poker face ka lang sa labas, pero deep inside! Hihimatayin ka na sa sobrang kilig. Yung feeling na sasabog ka na. Madalas may bonus pa siyang 'Hi' sa'yo pero wala kang nasabi, natameme ka lang. Minsan nagkaka-goosebumps ka pa nga eh. :")

Hay, ang sarap sa feeling 'no? My heart skips a beat ika-nga. Minsan pa nga plinaplano mo na kung ano gagawin mo kapag nandiyan na siya, prinactice mo pa sa salamin lahat ng gusto mong sabihin pero kapag magkaharap na kayo, WALA NA! Nabulilyaso na lahat ng plano mo. Saklap 'no? Wala ka na nga nagawa, nagmumukha ka pang tanga kung minsan o kaya naman kahiya-hiya.

Bakit nga ba ganun 'no? Kahit minsan sobrang sakit na, okay lang. Kahit gusto mo ng sumuko, hindi mo pa rin magawa. Dahil kahit 99.99% sure ka ng hind ka niya kayang mahalin, pinanghahawakan mo pa rin yung natitirang 0.01% na mapapansin ka rin niya.

~~To Be Continued

No comments: