Tapos ako naman, hindi lang kita papansinin. Hahayaan lang kita sa mga efforts mo. Tapos may gusto na rin akong iba. Ako naman yung hindi papansin sa'yo. Yung hindi kita babatiin kahit 'Hi' lang. Tapos wala akong paki-alam sa mga efforts mo. Na kahit anong gawin mo, hindi ko pa rin mapapansin na may gusto ka sa akin. Tapos mahimbing ang tulog ko tuwing gabi pero ikaw, hindi makatulog sa kakaisip kung paano ba kita mapapansin. O kaya naman hindi ka makakatulog dahil sobrang sakit na. Hindi mo na kaya ang mga nagyayari at ipinagdarasal mo na rin na sana baliktad na lang yung sitwasyon.
Kaya mo kaya lahat ng 'to? Kaya mo bang tiisin lahat ng sakit na ito? Kaya mo bang harapin ang mga pinagdadaanan ko? Feeling ko, kakayanin mo. Manhid ka kasi. Pero, seriously paano nga kapag ikaw na ang nakadarama nito? Sa tingin ko, hindi mo kakayanin. Hindi mo kasi alam ang feeling na hindi ka kayang mahalin ng isang tao. Hindi mo kakayanin na hindi ka pinapansin.
Alam ko naman na kahit kailan hindi mo ito mapagdadaanan. Dahil marami naman nagmamahal sa'yo. Kabilang na ako roon. Hihintayin ko na lang yung araw, na sana bumaliktad na ang mundo. :)


2 comments:
Doesn't matter who's hurting. The fact that someONE is hurting at all is what deserves attention.
Nice. I like that one. Yeah. I think you're right. If you're hurt, it means that you're alive. #IJustReadItSomewhere ;)
Post a Comment